Saturday, February 23, 2013

Project In Araling Panlipunan





Monarkiya


Ang monarkiya ay isang anyo ng pamahalaan na ang kataas-taasang kapangyarihan ay lubusan o naturingang inilalagak sa isang indibiduwal, ang pinuno ng estado, na kadalasang panghabang-buhay o hanggang pagbibitiw, at "buong itong hinihiwalay mula sa lahat ng kasapi ng estado."[1] Tinatawag namonarko ang namumuno sa monarkiya. Ito ang karaniwang anyo ng pamahalaan sa mundo noong luma at gitnang panahon.
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya.


Demokratiko





Ang pamahalaang demokratiko ang pinakamagandang uri ng pamahalaan. Dito, maaari kang magsalita o magreklamo sa mga ginagawa ng gobyerno. Sa pamahalaang ito pinapahalagahan ang tao at ang bansang pinamumunuan nito. Sa pamahalaang ito, ang pinuno ay tinatawag na presidente. Dumadaan sa eleksiyon ang magiging presidente ng isang pamahalaang demokrasiya. .Sa pamahalaang ito, nasa tao ang awtoridad ng mga gawaing pampamahalaan. 
Halimbawa sa isang bansang nasa pamahalaang demokrsiya ay ang Pilipinas.

Aristokrasya

Ang aristokrasya ay uri ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay nasa isang grupo. Ang mga grupo ng taong namumuno sa isang aristokrasya ay tinatawag na aristokrata. Tinatawag din ang ganitong pamahalaan naoligarkiya, at oligarko naman ang pinuno nito. 

Totalitaryan



Ang pamahalaang pinamumunuan ng isang diktador o isang pangkat ng mga makapangyarihang ay tinatawag na totalitaryan. Sa ganitong uri ng pamahalaan, sumasangguni ang isang pinuno sa lupon ng mga tagapayo sa pagtatakda ng mga patakarang pambansa.


Diktadurang Pamahalaan



Ang diktadura ay kadalasang nangangahulugang bilang isang autokratikong anyo ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang indibiduwal (ang diktador) ang isang pamahalaan na walang minamanang asensyon. May tatlong posibleng kahulugan ito:

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya